-- Advertisements --

Naisakatuparan na nina Prince Harry at Meghan Markle ang pagbinyag sa kanilang anak na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor.

Ito’y sa pamamagitan ng pribadong seremonya sa chapel ng Windsor Castle sa pangunguna ni Archbishop of Canterbury Justin Welby.

Tulad sa tradisyon, tubig mula sa River Jordan gayundin ang silver Lily Font at royal heirloom ang ginamit kay baby Archie na isinilang nito lamang Mayo.

Suot ng sanggol ang handmade replica ng royal christening robe na ginamit noong 1841 nang binyagan naman si Queen Victoria.

Ang nasabing replica ay ang pinagamit din sa iba pang royal babies na nabinyagan sa nakalipas na 11 taon.

Kabilang sa mga dumalo sa binyag ng anak ng Duke at Duchess of Sussex ay ang ina ni Meghan, kapatid ni Harry na si Prince William at asawang si Kate, Prince Charles at asawang si Camilla.

Wala pa namang detalye kung sino ang mga ninong at ninang ng pangpito sa British throne.