-- Advertisements --

VIGAN CITY – Hinamon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng Demo Challenge, dalawang buwan bago ang target na pagbubukas ng klase sa darating na August 24.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Castro, hiling nito na sa pamamagitan ng mga gadget at internet ng mga guro ay ipapakita nila kung paano ipatupad ang blended learning o online teaching sa mga mag-aaral sa pagharap sa new normal dahil sa coronavirus pandemic.

Aniya, hindi dapat matakot ang mga guro sa nasabing bagay dahil naniniwala siyang kaya nilang mag-demo dahil natural lang ito sa hanay nila.

Ipinaliwanag rin nito na tanging ang kahandaan lamang ng DepEd ang gusto niyang makita upang mapatunayan sa ibang guro at magulang ang paghahanda para sa online learning ng mga mag-aaral.