-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang dalawang buwang sanggol matapos kinagat umano ng alakdan o scorpion sa bayan ng Banate, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay P/Cpt. Genesis Roque, hepe ng Banate Municipal Police Station, sinabi nito na hindi na umabot nang buhay sa hospital ang sanggol matapos makagat ng alakdan.

Inihayag ni Roque na ayon sa doktor, ang sanggol ay nagtamo ng sugat at pasa sa katawan.

Ang mga sugat at pasa ayon sa doktor ay posibleng bunga ng pagkalaglag o hinampas ang biktima.

Maliban sa mga sugat at pasa, dumugo rin ang baba at ilong ng sanggol.

Bago pa man nangyari ang insidente, lasing ang ama nang biktima ng umuwi sa kanilang bahay.

Sa ngayon, napagkasunduan ng pamilya na hindi na isailalim pa sa autopsy examination ang bangkay ng sanggol.