CENTRAL MINDANAO-Nahuli ng Joint Task Force Central ang dalawang mga notoryus na lider ng Armed Lawless Group sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Montukan Bungay at kapatid nitong si Walo Bungay,mga namuno sa Bungay Armed Lawless Group at residente ng Barangay Bualan Pikit Cotabato.
Ayon kay 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong na pinasok ng Joint Task Force Central ang kuta ng magkapatid sa Brgy Bualan Pikit Cotabato ngunit nanlaban ang mga armadong tauhan ng mga suspek.
Tumagal ng anim na oras ang palitan ng bala sa magkabilang panig dahilan nang pagsilikas ng mga sibilyan.
Umatras ang mga armadong tagasuporta ng magkapatid at silay nahuli.
Narekober ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army sa mga suspek ang dalawang M16 Armalite rifles,isang kalibre.45 na pistola,mga bala,magazine,war materials at mga personal na kagamitan.
Ang magkapatid ay may warrant of arrest sa kasong extortion at multiple murder.
Ang mga suspek ay may direktang ugnayan sa mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sa ngayon ang mga suspek ay nakapiit na sa costudial facility ng Pikit PNP at nakatakdang i-presenta sa korte.