Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang dalawang most wanted persons sa dalawang magkahiwalay na operasyon nuong Biyernes, February 12,2021.
Sa report ni PNP-AKG Director BGen. Jonnel Estomo kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, huli ang dalawang most wanted persons sa pinalakas na law enforcement operations.
Sinabi Estomo, unang naaresto ng mga operatiba ng AKG Visayas Field Unit sa pamumuno ni Col. Salvador Alacyang ang suspek na si Florentino Horcerada aka Puring na nahaharap sa kasong rape.
Ginahasa umano ng suspek ang 15-anyos na batang babae na itinuturing na mentally incapacitated individual.
Nabuntis ang nasabing biktima at kapapanganak lamang nito.
Dahil dito, agad na sinampahan ng kasong rape ang suspek na inisyu ni Presiding Judge Hon. Leo Moises Lison ng RTC Branch 3, 7th Judicial Region, Tagbilaran City,Bohol.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Panglao Municipal Police Station habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.
Sa kabilang dako, bandang alas-2:30 naman ng hapon, nahulog sa kamay ng mga tauhan ng PNP-AKG Luzon Field Unit sa pamumuno ni Col. Villaflor Bannwagan ang isa pang most wanted person na nahaharap din sa kasong rape sa Sitio Antipolo, Barangay Labuin,Sta Cruz, Laguna.
Kinilala naman ni Estomo ang naarestong suspek na si Reagan Noble alias Perbus.
Kasalukuyang pending ang kaso ni Noble sa sala ni Hon. Judge Maria Conchita Lucero De Mesa ng RTC Branch 68, 4th Judicial Region, Binangonan, Rizal.
Batay sa police report, ang akusadong si Noble kasama ang isa pang suspek na at-large sa nagyon ay nanggahsa ng isang menor de edad na batang babae nuong buwan ng Enero.
Kasalukuyang nakakulong sa PNP-AKG detention facility ang nahuling suspek.
Binigyang-diin ni Estomo, na dahil sa pinalakas police-community partnership dahilan para maaresto ang mga indibidwal na wanted sa batas.
Sa datos ng PNP-AKG nasa 15 mga fugitive o wanted persons na ang kanilang naaresto simula nuong February 1,2021.