-- Advertisements --
NAGA CITY – Sugatan ang dalawang motorista kasama ang isang radio reporter sa nangyaring aksidente sa Del Rosario, Pamplona, Camarinens Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Cpt. Greg Bascunia, hepe ng Pamplona PNP, sinabi nito na habang binabaybay ng reporter na si Sonny Basa ang kahabaan ng kalsada sa nasambitan ng lugar lulan ng kanyang motorsiklo nang bigla na lamang mahagip ng sumusunod na motorsiklo na minamaneho naman ni Armando Reyes.
Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang driver na agad namang itinakbo sa ospital.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.