-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang dalawang motorista matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo sa kinukumpuning Mitsubishi fighter drop side sa gitna ng national highway ng Quinokol bridge sa Sta Cruz, Davao del Sur.

Sa report ng Davao del Sur police provincial office, lumalabas na ang Mitsubishi fighter drop side na minamaneho ni George Conte Delos Santos, 33, may asawa, nakatira sa Conte Subdivision, Digos City ay nakahimpil sa gitna ng highway matapos sumabog ang gulong.

Samantalang pinapalitan ang gulong ng drayber at helper, biglang sumalpok ang Euro motorcycle 125 na minamaneho ng isang alyas Alyssa, residente ng Brgy. Zone 1, Lubo, Santa Cruz, Davao del Sur at angkas ang isang Harris Josol Maitum, 21, may asawa, laborer na residente ng Brgy. Tibuloy Toril, Davao City na siyang direksyon ng kanilang sasakyan nang bumangga sa likurang bahagi ng nakahimpil na sasakyan na naging dahilan nang pagkasawi naman ng 15-anyos na angkas na si Maitum dahil sa lakas ng impact.

Dagdag pa sa impormasyon, kompleto naman ang warning device ng Mitsubishi sa gitna ng highway.

Samantala ang drayber nito ay nakakustudiya na sa Sta Cruz PNP.