-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang dalawang motorista matapos ang madugong banggaan sa bahagi ng Purok-1, Barracks, Central Poblacion, Kalilangan, Bukidnon.

Batay sa salaysay ni Lt. Col. Silvestre Asiong Jr,. dead on the spot ang motorista na si Larry Allas, 39, isang magsasaka at malubhang sugatan naman ang kanyang tatlong backride na sina Glydel Allas, 16; Julito Padre-e, 14, at ang dalawang taong gulang na bata na si Steven Bacus, lahat ay residente ng Purok-1, Brgy Kinura, Kalilangan, Bukidnon.

Habang isinugod naman sa pagamutan ang isa pang motorista na nakilala bilang si Marjohn Delaynon, 20, binata, walang trabaho at residente ng Sitio Agaton, Brgy Macaopao, Kalilangan, kasama ang kanyang backride na si Sheva Mae Tabita, 15, na nagmula sa Purok-5, West Poblacion, Kalilangan.

Nitong umaga, binanggit ni Asiong na namatay na rin ang isa pang motorista na si Delaynon.

Una rito, napatunayang ng mga traffic investigators na “nagnakaw” ng lane ang motor na menaneho ni Delayon kung kaya’t humambalang ito sa nakasalubong na motor na minaneho ni Allas.

Kapwa tumilapon ang mga backride ng dalawang motorista kung kaya’t patuloy itong ginagamot ng mga doktor ng Provincial Hospital-Annex, Kalilangan, Bukidnon.