-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Patay ang dalawang motorista matapos na masangkot sa aksidente sa Barangay Man-up sa bayan ng Altavas, Aklan.

Kinilala ang mga motorcycle driver na sina Ron Saneo, 21, ng Sapian, Capiz at Sandro Tarosanan, sa legal na edad at residente ng Barangay Man-up, Batan, Aklan.

Nagkaroon ng fatal na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Altavas Municipal Police Station, mabilis ang pagpapatakbo ng mga biktima sa kani-kanilang motorsiklo papuntang direksyon ng bayan ng Altavas kung saan, pagdating sa lugar ng aksidente ay dito na bumangga ang behikulo ni Saneo sa sinusundan nitong motorsiklo na minamaneho naman ni Tarosanan.

Dahil sa malakas na impact ng pagkabangga, tumilapon ang dalawa kung saan, nadala pa ang mga ito sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay kinalaunan.

Ang nasabing aksidente ay patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya.