-- Advertisements --
Tata Pilo Dexter

BAGUIO CITY – Naipalabas ang dalawang multi-awarded documentary films ng filmmaker/actor/writer mula Abra na si Dexter Macaraeg sa Sinehan sa Konsuldado ng Consulate General of the Philippines sa Frankfurt, Germany na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Ipinalabas ang mga pelikulang “Am-Amma” at “Tata Pilo” kung saan tampok ang kultura ng lalawigan ng Abra.

Bahagi rin sa pelikulang “Am-amma” ang weaving traditions ng mga Tingguian sa Abra at nakasentro ito sa kwento ni Norma Agaid-Mina mula sa bayang ng Peñarrubia na isa sa mga kilalang loom weavers ng lalawigan.

Tampok naman sa pelikulang “Tata Pilo” ang kwento ni Teofilo Garcia mula bayan ng San Quintin na isa sa mga National Living Treasure Awardee dahil sa dedication nito sa tradisyonal na paggawa ng sombrero na gawa sa upo na tinatawag na “kattukong.”

dexter macaraeg kidlat tahimik
National Artist for Film Kidlat Tahimik with Sine Abreño founder and filmmaker Dexter Macaraeg held the iconic bamboo camera (FB photo Sine Abreño)

Dumalo naman ang aabot sa 35 na miyembro ng Filipino-German community sa Frankfurt sa nasabing film showing.

Nagsagawa rin si Macaraeg ng film lecture and symposium kung saan dito niya iginiit ang kahalagahan ng cinematography kasabay ng pagsulong niya sa iba’t ibang katutubong produkto ng Abra.