CAGAYAN DE ORO CITY – Pinababantayan ng Commission on Elections (Comelec) sa militar at pulisya ang dalawang munisipalidad ng Misamis Oriental nitong nalalapit na 2019 midterm elections.
Ito’y matapos lumabas sa pagsusuri ng security briefing na malakas ang presensiya ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA at may mga banta sa darating na election.
Ayon kay Misamis Oriental Provincial Election Supervisor Atty Alile Ramirez kailangang bantayan ng mga awtoridad ang lugar sa Claveria at Lagonglong upang hindi masabotahe ng mga armadong grupo ang eleksyon na posibleng magdulot ng takot sa mga Electorals boards at guro ng Department of Education o DepEd.
Napag-alaman na aabot sa 450 ka mga pulis ang isinailalim sa election training upang magsilbing kapalit sa mga guro na uurong sa pagsilbi ng eleksyon dahil nakaramdam ng takot sa kanilang seguridad.