-- Advertisements --

KALIBO, Aklan-Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang musikero makaraang maaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Bantud, Barangay Manocmanoc sa isla ng Boracay.

Kinilala ni Police Major Jess Baylon, hepe ng Malay Police Station ang mga suspek na sina Leonel Artes Daddie, 34, at Lemuel Carbonilla Bandanayan, 38, kapwa residente ng Davao City ngunit pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Nakuha mula sa mga suspek ang limang plastic sachet ng pinaghihinalaang marijuana leaves kapalit ng P1,100 na buy-bust money at iba pang drug paraphernalia.

Ang dalawang musikero ay kasalukuyang nakakulong sa Malay Police Station.