-- Advertisements --
DR. MARY JEAN LORECHE DOH 7
IMAGE | Dr. Mary Jean Loreche, DOH-7 spokesperson/Screengrab, DOH Central Visayas

CEBU CITY – Dalawang “mutations of concern” ng COVID-19 virus na SARS-CoV-2 ang na-detect ng Philippine Genome Center sa Cebu, ayon sa Department of Health (DOH) Region 7.

The DOH-7, on February 18, 2021, announced they discovered the presence of at least two mutations of SARS-CoV-2 in Cebu,…

Posted by CDN Digital on Wednesday, February 17, 2021

Sinabi ni Dr. Mary Jean Loreche, spokesperson ng DOH Central Visayas, na 37 mula sa 50 samples ng lalawigan na isinailalim ng PGC sa genome sequencing ang may mutation na E484K at N501Y.

Bukod dito, 29 mula sa 50 ang may co-occurence o na-detect na mayroong dalawang mutation ng virus sa katawan.

“These two mutations of concern are actually of global concern also. Hindi siya atin lang talaga. This is of global concern because, apparently, these are the mutations that are related to increased transmissibility,” ayon sa opisyal.

Sa kabila nito nilinaw ni Dr. Loreche na walang dapat ikabahala ang publiko, lalo na ang mga taga-Cebu, dahil pinaigting ng lalawigan ang isolation at contact tracing strategies.

Pag-aaralan naman daw ng regional office kung anong naging epekto sa mga indibidwal ang mga tumamang COVID-19 variant.

“As to the severity, we need more data on this but then again, based on what we are seeing right now, apparently, we need to be more cautious. But not too cautious that we have to lock down. It all involves each one of us to work together.”

Hindi pa kinukumpirma ng DOH Central Office ang report sa Central Visayas, pero nakatakda raw silang maglabas ng statement ano mang sandali.

Sa huling tala ng Health department, 44 na ang tinamaan ng sinasabing mas nakakahawang B.1.1.7 o UK variant ng COVID-19 sa bansa.

Mula sa kanila, 41 na ang gumaling. Dalawa ang nagpapagaling pa, at isang namatay.