-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hinuli ng mga otoridad ang dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagdadala ng armas sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Datu Ibrahim Egal,23 anyos,binata at si Ali Mama Unting,32 anyos,may asawa at mga residente ng Barangay Rebuken Sultan Kudarat Maguindanao.

Ayon kay Sultan Kudarat Maguindanao Chief of Police,Major Julhamin Asdani na naharang ang kotseng sinakyan ng mga suspek sa Checkpoint ng pulisya Brgy Dalumangcob sa bayan ng Sultan Kudarat.

Narekober sa kulay pulang Toyota corolla na may plate number GFD 491 na sinakyan ng mga suspek ang isang M16A1 Elisco Armalite Rifle na may isang magazine , 21 pirasong bala ng M16 ,isang kalibre.45 na pistola,isang magazine at pitong mga bala.

Ang mga nahuling myembro ng MILF ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o comprehensive law on firearms and ammunitions.