CAUAYAN CITY -Nagtala na ng dalawang nasawi ngaong araw matapos na kapitan ng Omicron variant ng COVID-19 sa Thailand.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Noli June Cervesa, OFW na dalawang senior citizens ang nasawi na 86 anyos at 84 anyos dahil sa Omicron at umabot na sa mahigit 10,000 ang kaso ng Omicron variant sa Thailand.
Sa ngayon ay hinigpitan na ng Thailand ang pagpasok ng mga internatonal travellers na galing sa mga bansang Russia, Germany, Amerika, United Kingdom, France, Sweden Japan, Australia, Denmark at Finland.
Maging ang mga local travellers sa Thailand ay hinigpitan na rin ang kanilang movement at mayroong mga bahay kalakal na hindi pinapapasok ang mga costumers na hindi bakunado.
Limitado na rin ang mga bahay kalakal sa naturang bansa at ipinagbawal muna ang pagbubukas ng mga bars at ang operation ng Night Market at hanggang alas diyes na lang ng Gabi mula sa dating alas doce ng hatinggabi.
Samantala inihayag ni Ginoong Cervesa mayroong siyang dalawang kaibigan Pilipino ang kinapitan ng COVID-19 ngunit tuluyan na silang naka-recover.