-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Umakyat na sa dalawa ang binawian ng buhay ng matapos ang pagyanig ng magnitude 6.6 na lindol kaninang umaga sa Mindano kung saan sa Tulunan, North Cotabato ang naging epicenter nito.

Kinilala ng mga otoridad ang unang nasawi na sina Nestor Narciso, 61 anyos, residente ng Barangay General Paulino Santos, Koronadal City na natabunan ng mga debris mula sa gumuhong simbahan sa lungsod.

Sumunod naman na binawian ng buhay sa South Cotabato Provincial Hospital si Melissa Moren, 25-anyos, residente ng Brgy Dumadalig, Tantangan, South Cotabato matapos na magtamo ng malalang sugat dulot ng aksidente sa daan.

Nasa national highway ang biktima sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang asawa nang yumanig ang malakas na lindol.

Plano sana umano ng kanyang mister na tumabi sa daan ngunit hindi nito nakita ang nakasalubong na sasakyan dahil sa takot sa malakas na pagyanig.

Samantala, inihayag naman ni Tulunan North Cotabato Municipal Engr. Emmanuel Fuerto na nagpapatuloy ang assessment ng pinsala na iniwan ng lindol sa kanilang bayan kung saan 2 sa 5 classrooms na nasira sa Daig Elementary School ang totally damage samantala halos 200 na estudyante ang apektado na dinala sa pagamutan.

Naiulat naman ang isa umanong empleyado ng gobyerno mula sa SibSib, Tulunan, North Cotabato na tumalon mula sa 2nd Floor ng gusali habang yumayanig ang malakas na lindo.

Agad naman na dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima.

Sa ngayon, tila ghost town na ang ilang lugar sa South Cotabato at North Cotabato matapos ang malakas na pagyanig na sinundan pa ng malalakas na aftershocks.