-- Advertisements --

NORTH COTABATO – Natagpuan ang dalawang naagnas na nga bangkay sa brgy. Ranggayen, Alamada North Cotabato.

Sa panayam ng Star FM Cotabato kay pmaj. Sunny Leoncito, COP ng Alamada MAP. Tumawag ang mga brgy officials sa kanya upang ipaalam na may natagpuan silang naagnas ng mga bangkay.

Kinilala mismo ng mga pamilya ng naagnas na mga biktima na sina Jamil Mamarinta, may asawa at nasa hustong- taong gulang at si Baby Pama, kapwa mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa pamilya ng mga biktima, 20 araw ng pinaghahanap ang dalawa sa kadahilanang nag tanan ang mga ito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ana ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan ukol sa pangyayari.