-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa dalawang kandidato sa pagka-alkalde ng Lingig, Surigao del Sur matapos makuhanan ng mga armas at election money.

Ayon kay Lt. Col. Cholijun Caduyac, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group-Caraga, nagsanib pwersa ang kanilang hanay kasama ang PNP Special Action Force, Lingig Municipal Police at Intelligence Division ng PNP-13 sa operasyong dumakip kina incumbent Mayor Roberto Luna Jr. at Brgy. Tagpoporan chairman Edgar Andog.

Unang sinuyod ang bahay ni Luna kung saan samu’t-saring armas ang nakuha ng mga otoridad.

Bukod dito nasamsam din mula sa bahay nito ang P2-milyon na pinaniniwalaang gagamitin sa vote buying.

Ito’y dahil nadatnan ng mga otoridad na nakasilid na sa mga puting envelope ang tig-P100 kasama ang sample ballot.

Batay sa ulat, nasa narcolist ng pangulo si Luna na isa rin daw high valur target ng mga pulis.

Sa hiwalay naman na operasyon, nakuha ng mga otoridad ang iba’t-iba ring kalibre ng armas sa bahay ni Andog, kasama ang isang wanted na si “Alvin” na isang body guard.