-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang dalawang katao matapos tamaan ng kidlat sa Purok 3, Barangay Maulawin sa Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Jumboy Lura at Jericho Lura, parehong 18-anyos.

Sa nakalap na imppormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na aksidenteng tinamaan ng kidlat ang dalawa dahil sa hawak na cellphone ng mga ito habang nasa isang bahagi ng kabundukan sa naturang lugar.

Una rito sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagpaalam umano si Jimboy sa kanyang inang si Evelyn Lura na maglalaro sila ng Mobile Legend kasama si Jericho sa naturang lugar dahil sa magandang signal.

Dead on the spot ang dalawa matapos magtamo ng malalang tama sa kanilang katawan.