-- Advertisements --

DUBAI – Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang southern province ng Bushehr sa Iran ngayong araw ng Linggo.

Batay sa impormasyon, naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Rig kung saan naroon ang isang nuclear power plant.

May lalim na 10 kilometro ang naturang malakas na lindol na nagdulot pa ng tinatayang siyam na aftershock.

Wala namang naitalang malaking pinsala kasunod ng pagyanig, maliban na lamang sa pagbagsak ng suplay ng kuryente at pagkaputol sa linya ng komunikasyon sa Gonaveh City.

Nariyan din ang pagguho ng mud brick walls sa ilang mga village.

Kaagad ding inlarte ang mga ospital sa kalapit na lugar kung saan pinadala ang iba’t ibang rescue team at nasa 50 ambulansya.

Samantala, dinala na sa ospital ang dalawang katao na nagtamo ng injury. (CNA)