Nakuha ng mga nakagawa ng bakuna para labanan ang pagkalat ng COVID-19 ang Nobel Prize in physiology o medicine ngayong taon.
Inanunsiyo ng Nobel Prize Committee sa Sweden ang pagbibigay nila ng award kina Katalin Kariko at Drew Weissman dahil sa kanilang mRNA vaccines.
Pinuri nila ang ginawang pag-aaral ng dalawa kung saan binago dito ang pagkakaintindi kung paano makapag-interacts ang mRNA sa immune system ng isang tao.
Inilathala ng dalawa ang kanilang resulta noong 2005 na nakakuha ng kaunting atensiyon sa nasabing panahon.
Sinabi naman ni Rickard Sandberg isang miyembro ng Nobel Prize in medicine committee na ang mRNA vaccines kasama ang ilang mga COVID-19 vaccines ay naiturok na sa mahigit 13 bilyon beses at nakapagligtas ng ilang milyong katao.