-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao sa banggaan ng dalawang cargo ship sa Baltic Sea sa karagatan ng bahagi ng Sweden.

Naganap ang insidente sa Baltic Sea sa pagitan ng bayan ng Ystad sa Sweden at Bornholm sa Denmark.

Ayon sa tagapagsalita ng Swedish Maritime Administration (SMA) na hirap nilang mahanap ang kinaroroonan ng mga biktima na lulan ng Danish-registered na barko na Karin Hoej at Scott Carrier ang British-flagged cargo ship.

May ilang katao na rin ang kanilang inaresto na sinasabing sangkot sa nasabing banggaan ng dalawang barko.

Gumamit ng ilang bangka at dalawang helicopters ang mga rescuers para mailigtas ang mga biktima ng paglubog ng barko.

Mayroong haba ng 295 talampakan ang Scott Carrier habang ang 55 meters naman ang haba ang Karin Hoej.

Hindi pa tiyak ng mga otoridad kung ilang mga lulan ng dalawang mga barko.