Nasa sensitive medical situation ang 2 Pilipinong kabilang sa nasugatan nang magkaaberya ang Singapore Airline flight SQ321 nang tamaan ng severe turbulence ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sa isang statement, sinabi ng DMW na ang overseas Filipino worker na nakabase sa Singapore na naka neck fracture at back injuries ay nakatakdang sumailalim sa operasyon ngayong gabi ng Huwebes.
Sa ngayon walang opsyon pa para sa treatment o surgey ng kaniyang back injuries. Nananatili din aniyang sensitibo subalit nasa stable na itong kalagayan.
Samantala, ang isang pasahero naman na 62 anyos na lolo ay naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital sa Bangkok, Thailand matapos mawalan ng malay.
Minomonitor naman ng mga doktor ang kaniyang kondisyon para sa karagdagang evaluation at treatment. Binabantayan din ito ng kaniyang pamangkin na nakabase din sa Bangkok.
Sinabi din ng DMW na nangako ang Singapore Airline na sasagutin ang lahat ng hospital expenses nito.
Habang ang 3 iba pa na nasugatan din sa insidente ay nasa stable na kondisyon na.
Matatandaan na noong May 21 napiliting mag-emergency landing ang naturang Singaporean plane nang makaranas ng severe turbulence habang patungo ng Singapore mula London na sanhi ng pagkasugat ng ilan sa mga pasahero.