-- Advertisements --
Tinanggal ng mga nakatalagang security ang dalawang Army National Guard members mula sa inauguration duty.
Ang nasabing hakbang ay bilang pagbabantay ng mahigpit sa mga nakatalagang magbibigay ng seguridad sa panunumpa ni President elect Joe Biden.
Aabot kasi sa 25,000 na National Guard troops ang itinalaga sa paligid ng Washington D.C.
Sinabi ni National Guard spokesman Major Aaron Thacker na dahil sa operational security kaya tinanggal ang dalawang Army National Guard.
Nauna ng nilinaw ni acting Secretary of Defense Christopher Miller na walang “insider threat” sa inauguration ni Biden.