-- Advertisements --

LA UNION – Nasa stable na ang kondisyon umano ang dalawang bagong kaso ng COVID-19 sa La Union batay sa datos ng Department of Health Region 1 sa panayam ng Bombo Radyo La Union.

Ang mga pasyente ay isang 41-anyos na lalaki, may chronic kidney disease mula sa Barangay Batubut Norte sa bayan ng Balaoan, La Union at nasa Ilocos Training Regional & Medical (ITRMC) at ang 28-anyos na babae ay may asthma mula naman sa bayan ng Santo Tomas sa lalawigan na nasa La Union Medical Center (LUMC).

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay DOH Region 1 medical officer Dr. Rheuel bobis, kahapon dumating ang resulta ng dalawang nagpositibo sa test at sunod na inilabas ng La Union provincial government.

Napag-alaman na ang unang pasyente ay nakaramdam ng lagnat at nahirapang huminga noong April 21 at agad nagpakonsulta sa mismong araw na ito habang ang pangalawang pasyente at may ubo at hirap din huminga noong April 11.

Na-admit ito sa ospital noong 20 at nakuhanan ng sample noong April 21.

Sa ngayon, nakapagtala na ng 17 positive COVID cases ang lalawigan, siyam ang recoveries, dalawa ang nasa hospital, dalawa ang nasa strict home quarantine at apat na ang namatay.