-- Advertisements --

Pinaghahanap na ng mga kapulisan ng Florida ang dalawang NFL players dahil umano sa pagnanakaw sa isang party.

Kinilala ang mga ito na sina Deanre Baker ng New York Giants at Quinton Dunbar ng Seattle Seahawks.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, tinutukan ng baril ng mga suspek ang mga bisita sa isang house party.

Bago aniya ang insidente ay naglalaro pa ng baraha at computer games ang mga bisit ng magkaroon ng alitan at doon na naglabas ng baril ang mga suspek.

Nakuha ng mga ito ang mahigit na $12,000 na pera at $25,000 na halaga ng mga relo at alahas.

Sinabi naman ni Miramar police spokeswoman Tania Rues na posibleng sumuko na ang mga ito.

Malaki rin ang paniniwala nila na planado ang nasabing insidente dahil nakahanda na ang mga sasakyan ng mga suspek na ginamit sa pagtakas.

Nahaharap ang 22 anyos na si Baker ng walong kaso na apat na armed robbery at apat na aggravated assault with a firearms habang ang 27-anyos na si Dunbar ay nahaharap sa kasong four counts of armed robbery.