-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni JC Solomon, tagapagsalita ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA-Caraga na mga striker applicants nila ang na-uugnay sa pamamaril pasado alas-dies kagabi sa may Camella Homes sa Brgy. Villa Kananga nitong lungsod ng Butuan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Solomon na parehong nasa ligtas ng kalagayan ang dalawa nilang mga aplikanteng itinago muna ang identity habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.

Inihayag nitong naka-inom umano ang suspetsadong taga-Davao Region na mula sa salo-salo at nanghiram pa ng armas at nang umuwi na sa kanilang safe house ay naka-alitan nito ang kasamahanm nitong aplikante kung kaya’t kaagad itong mubunot ng baril na hinarangan naman ng isa pa nilang kasamahan rason na sa kanya tumama ang mga bala.

Nagtangka pa umano ang suspek na magbaril sa kanyang ulo ngunit napigilan ito ng iba pa nilang kasamahan kung kaya’t natamaan lang ang mukha nito na dali namang dinala sa ospital.