-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Magkasama ng pinakilala ni Joint Task Group Commander Col. Galeleo Guyina sa Department of the Interior and Local Government , Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government unit (LGU) sa General Santos City ang tatlong surenderee bitbit ang kanilang mga baril.

Sinabi ni Col. Guyina na matagal ng minamanmaman ang aktibidad nga tatlo habang pinoproseso ang kanilang pagsuko.

Ang tatlo ay binubuo ng dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) at ang isa ay miyembro ng Dawlah Islamiyah na nag-o-operate sa Polomolok South Cotabato.

Kinilala ni Guyina ang tatlo na sina Alias Ron na sinasabing member ng lokal ISIS group kasama sina Alias Baldo na miyembro ng platoon Mobile ng NPA na nakabasi sa Sultan Kudarat at alias Bentong ng platoon Sagay ng NPA Southern Regional operations committee na nakabasi sa Bukidnon subalit dito sa lungsod ito nagtatago.

Bitbit ng mga ito ang caliber 45 pistol , M16 armalite rifle at cal 30 M1 Garand rifle at mga bala.

Sumuko ang tatlo matapos lumala ang kahirapan sa pagtatago matapos pinangakuan nang magandang pamumuhay subalit hindi ito nangyari.

Dagdag ni Col. Guyina, marami pa ang susunod na babalik sa gobyerno na karamihan umano nag- operate sa boundary nitong lungsod.