-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang dalawang lider umano ng New People’s Army(NPA) matapos na nahuli sa Sitio Buting, Barangay Bati-an, Maitum, Sarangani Province.

Kinilala ang mga ito na sina Ngo Magaw alyas Proting, team leader sa Segunda, Platoon Samsung sa ilalim ng Guerilla Front Musa ng Far South Mindanao Region at Bwen Malantaw alyas Doming, team leader ng nasabing grupo.

Ayon kay P/Lt. Col. Lino Capellan, spokesperson ng Police Regional Office(PRO)-12, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ‘murder’ ay hinuli ang dalawa dahil sangkot umano sa pagpaslang kay Pastor Jun Sebastian noong December 15, 2019 sa Barangay Kalaneg, Maitum Sarangani Province.

Samantala, dalawang personalidad mula sa White Area Committee at apat na NPA member ang sumuko sa Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato.

Kustodiya ng Regional Intel Unit (RIU)12 dito sa lungsod sina Agnes Timbang, Pamela Tang, Lucia Minggay, Rene Legal, Jojo Unag at Teng Anok.