-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nabigyan ng tulong ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) kasabay ng Local Serbisyo Caravan ng EO 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Brgy Basak Magpet North Cotabato.

Batay sa Executive Order 70 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, ini-institutionalize ang “whole nation approach policy” para magkaroon ng kapayapaan at tapusin na ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at New People’s Army.

Ayon sa EO, uunahin at aayusin ang pagbibigay ng basic services at social development packages sa mga conflict areas at vulnerable communities sa bansa.

Sinabi ni Cotabato Governor Emmylou”Lala” Mendoza, kabilang sa mga isyu na dapat matugunan ay ang matagal ng problema sa mga pinag-aagawang lupa,karahasan na dulot ng rebelyon at ang lumalalang presyo ng mga produkto ng mga magsasaka.

Hiniling ni Mendoza sa mga residente ng Brgy Basak Magpet Cotabato na makiisa at suportahan ang mga proyekto ng gobyerno.

Kasabay rin sa Local Serbisyo Caravan ang pagpresenta sa dalawang sumukong NPA na tumanggap ng tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced – Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Matatandaan na unang binuo ang Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa pangunguna ni acting Governor Emmylou ”Lala” Taliño-Mendoza.

Dinala ang lahat ng serbisyo ng pamahalaan at tinugunan ang pangangailangan at hinaing ng mamamayan sa Barangay Basak na bahagi ng Community Support program ng 72nd Infantry Battalion Philippine Army.

Samantala,ramdam rin ang mga aftershocks ng lindol habang ginagawa ang programa ng LSC sa Brgy Basak Magpet North Cotabato.

Ngayong araw ay gagawin ang pangatlong Local Serbisyo Caravan sa Brgy Kabalantian Arakan North Cotabato.