-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dalawang miembro ng New People’s Army (NPA) ang patay, isa ang malubhang nasugatan at isa naman ang nahuli matapos ang tinatayang 25 minutong bakbakan sa pagitan ng militar sa Sitio Pan-ukan, Brgy Cambuayon sa bayan ng Bacuag, Surigao del Norte nitong nakalipas na alas-3:00 ng hapon.

Nakaengkwentro ng mga tauhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army ang hindi bababa sa 10 mga miyembro ng NPA na sakop ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16C2 ng Guerilla Front-16 North Eastern Mindanao Regional Committee sa pangunguna ni Alberto CastaƱeda alyas JD na nagresulta sa pagkamatay nina Richard Lampad, 40, at Noral Bestajo, 40, parehong residente ng Brgy. Pautao at pagkahuli naman ni Julieto Bestajo ng nasabi ring barangay habang dinala naman sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro si Benjie Bestajo, 40, residente ng Brgy. Cambuayon at malubhang nasugatan sa engkwentro.

Ayon kay Lt Charlon Montero ang hepe ng Bacuag Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, nasa kani-kanilang pamilya na ang dalawang bangkay at nakadetine naman sa Bacuag Municipal Police Station si Madelo na ngayon ay inaayos na ang kasong isasampa.

Narekober sa encounter site ang mga armas, mga pampasabog, medical supplies at mga personal na kagamitan.