Patay ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos maka-enkwentro ang mga tropa ng 11th Infantry (Lapu-Lapu) Battalion ng Philippine Army at ng PNP Regional Mobile Force Battalion 7 ang remnants ng Southeast Front, Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol, and Siquijor (SEF, KR – NCBS) sa Sitio Libjo, Barangay Napacao, Siaton, Negros Oriental, bandang alas-7:25 PM kagabi December 24, 2020 bisperas ng Pasko.
Nakatanggap kasi ng ulat ang mga otoridad hinggil sa presensiya ng mga Communist Terrorist sa lugar.
Matapos ang labanan, nagawang i-outmaneuver ng mga tropa ang mga komunistang terorista at nakubkob ang kanilang pwesto.
Narekober ng militar sa encounter site ang dalawang cadaver ng communist-terrorists at narekober ang mga sumusunod: isang caliber 5.56mm M653 rifle (Baby Armalite), isang caliber .45 pistol, mga subversive documents, isang bandolier na may dalawang magazines ng M14, isang backpack ng medical supplies, dalawang backpacks para sa personal na gamit at medical equipment.
Ayon kay 11th IB Commanding Officer Ltc. Ramir Redosendo na nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang clearing operations ng mga tropa sa encounter site.
Habang pino-proseso naman ng PNP SOCO ang narekober na dalawang bangkay.
Sinabi ni Redosendo, malaking tulong sa kanilang kampanya laban sa insurgency ang mga impormasyon na ibinibigay sa kanila ng mga sibilyan.
Pinalakas din ng NPA ang Peace and security operations being undertaken through the Joint Enhanced Military and Police Operation (JEMPO).”
Sa panig naman ni 302nd Brigade Commander Col. Leonardo Peña, magsilbi sanang leksiyon sa mga miyembro ng CPP-NPA ang nangyaring sagupaan kagabi.
Nanawagan din ito sa mga NPA members na sumuko na lamang at magbalik-loob sa gobyerno at i take advantage ang tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa mga nagbabalik-loob na mga komunistang rebelde.
“In this celebration of Christmas, we will appreciate you coming to us and we will help you join your family like your former comrades who are now happily celebrating holidays with their respective love ones,” wika ni Col. Peña.
Siniguro naman ni 3rd Infantry Division Commander, Major General Eric C Vinoya, na magbabantay 24/7 ang mga sundalo para mapanatili ang peace and security sa nasabing lugar.
“We have been telling this all along that that there will be no good fighting the government through armed struggle as the Philippine Army is mightier than any terrorist group such that of the NPA. They only have two options, surrender or die fighting a lost cause,” Vinoya added.
Sa kabilang dako, nananawagan naman si Central Command Commander LtGen.Roberto Ancan sa mga miyembro ng CPP-NPA na magbalik loob na lang sila sa gobyerno para hindi na madagdagan pa ang mga namamatay sa kanilang hanay at mabigyan pa sila ng pagkakataong magbagong buhay.