-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang dalawang NPA matapos kinubkob ng tropa ng gobyerno ang kuta ng mga rebelde sa Sta. Catalina, Negros Oriental.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Cenon Pancito, spokesperson ng 3rd Infantry Division (3ID) ng Philippine Army, sinabi nito na hindi pa nakikilala ang nasabing mga rebelde.

Ayon kay Pancito, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation upang mahuli ang iba pang mga rebelde na kasama ng mga nasawing mga NPA.

Napag-alaman na noong nakaraang linggo, sampung rebelde rin ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng militar at NPA sa Guihulngan City, Negros Oriental.