-- Advertisements --

Patay ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa engkwentro kaninang madaling araw sa Batangas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay 2nd Infantry Division Commanding General MGen. Rhoderick Parayno na nakasagupa ng mga operating troops mula sa 730 Combat Group sa pamumuno ni SSgt. Eduardo Ocampo ang nasa 15 miyembro ng NPA sa may Barangay Lumañag, Lian, Batangas.

Sinabi ni Parayno na rumesponde lamang ang mga tropa sa report ng mga sibilyan kaugnay sa presensya ng mga armadong NPA na nagsasagawa ng extortion activities.

Umigting ang 15 minutong labanan na ikinasawi ng dalawang rebeldeng NPA isang body cound habang ang isa ay hinanap pa sa ngayon.

May isa pang rebelde ang napaulat na nasugatan sa labanan.

Bukod sa isang body count na nasawi, nakarekober ang mga sundalo ng isang M16, isang M14 at isang garand rifle.

Pahayag ni Parayno na ongoing pa sa ngayon ang hinagawang paghaluglog ng mga tropa sa encounter site.

Batay sa datos ng militar hindi bababa sa 200 na mga rebeldeng NPA ang nago-operate ngayon sa areas of responsibility (AOR) ng 2nd Infantry Division.

Samantala, sinabi ni Parayno mayroon naman ginagawang koordinasyon ang militar sa mga resorts sa Batangas.

Kinumpirma ni Parayno na mayroon silang itinatag na security alliance sa mga resort owners, LGU at sa ibat ibang stakeholders sa lugar.

Layon ng security alliance para magkaroon ng magandang koordinasyon lalo na kapag may ginagawang mga iligal na aktibidad ang NPA.

Pagtiyak ng heneral na wala namang dapat ikabahala ang mga turista na magtutungo sa mga resorts sa Batangas.

Ibinunyag din ni Parayno na kanilang naiwasan ang tangkang paglulunsad ng opensiba ng rebeldeng NPA sa AOR ng 2nd ID bilang paghihiganti sa pag-aresto ng militar sa top 3 NPA leader kamakailan lamang.