CAUAYAN CITY – Dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang napatay sa naganap na sagupaan ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at isang team ng 1st Isabela Provincial Molice Force Company sa Tappa, San Mariano, Isabela.
Naganap ang sagupaan habang isinagasagawa ang Intensified Military Operations sa Diwagao Complex, Tappa, San Mariano, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Captain John Rey Remedios, Civil Military Operations Officer ng 95th Infantry Battalion Phil. Army na nagkaroon ng limang minutong bakbakan sa tropa ng pamahalaan at anim na mga rebelde na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang NPA.
Ang mga napatay na rebelde ay isang squad leader ng Regional Sentro de Grabidad (RSDG), Komiteng Rehiyon Cagayan Valley at isang miyembro.
Nakuha sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang M16 rifles
Walang nasugatan o nasawi sa panig ng militar at pulis.
Sinabi ni Captain Remedios na isinumbong ng mga sibilyan ang presensiya ng armadong pangkat sa kanilang lugar na nanghihingi ng mga pagkain at iba pa nilang supply.