VIGAN CITY – Dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) na nakasagupa ng mga militar sa Brgy. Suagayan, Sta. Lucia noong August 8 ang nahuli na ng mga otoridad kahapon sa Brgy. Damacuag, Sta. Lucia.
Nakilala ang mga terorista na sina Joel Banganan na nahaharap sa kasong Crime of Rebellion na ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 1, Bangued, Abra at ang isa naman ay nakilalang si Ranny Velle Urbis na nahaharap sa kasong frustrated murder na ang warrant of arrest nito ay inilabas naman ng RTC Branch 36, Bontoc, Mt. Province.
Nahuli ang mga ito sa pamamagitan ng pinagsanib pwersang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philipine National Police (PNP).
Sa ngayon, ipagpapatuloy ng PNP at militar ang imbestigasyon hingil sa mga nahuling miyembro ng rebeldeng gropo.