-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dumami pa ang mga sumukong mga myembro ng New Peoples Army sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ang dalawang rebelde sumuko ay mga tauhan ng East Daguma Front, Sub-Regional Committee Daguma, Far South Mindanao Region.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy na sumuko ang mga rebelde sa tropa ng 37th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Allen Van Estrera sa Lebak Sultan Kudarat.

Dala sa pagsuko ng dalawang NPA ang isang 12 guage shotgun at .38 revolver.

Pormal na tinanggap ni 603rd Brigade Commander Bregadier General Eduardo Gubat ang mga rebelde.

Matatandaan na noong nakalipas na lingo anim na mga NPA rin ang sumuko sa 37th IB.

Nanawagan si MGen Uy sa mga NPA na samantalahin ang programa ng pamahalaan at sumuko para mamuhay ng mapayapa.