CEBU CITY – Nanawagan ngayon ng tulong ang pamilya ng dalawang overseas Filipino workers (WHO) mula sa Saudi Arabia matapos mapagbintangang nagnakaw mula sa kanilang amo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Michelle Samillano, sinabi nito na isang linggo na umano mula ng huling makausap ng kanilang pamilya ang nasabing mga OFW.
Ayon kay Samillano, bago paman umano nangyari ang pambibintang ay una na umanong nagpaalam ang mga ito sa kanilang amo na plano na nitong uuwi sa Pilipinas.
Dahil dito, pinaniniwalaang gawa-gawa lamang ito upang hindi ang mga ito makaalis.
Nabatid na nangangamba umano ang kanilang pamilya lalo pa kung sakali mang ito ay sampahan ng kaso ng nasabing mga amo.
Samantala, kaugnay nito, ayon naman kay Rowena Alzaga, tagapagsalita ng OWWA-Bicol, mas mainam kung agad na dudulog ang kapamilya ng nasabing mga OFW sa pinakamalapit na opisina ng OWWA upang pormal na maipaabot ang kanilang sitwasyon.
Sa ngayon, tiniyak naman ng OWWA-Bicol na kaagad itong tutugunan at tutulungan ang nasabing pamilya.