-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Humihingi ng tulong sa ngayon ang 2 pinay OFWs na stranded sa ngayon sa loob ng Airport sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa 5 araw na ang mga itong walang tamang kain at pahinga kung saan ang isa sa mga ito ay dumudugo na ang ilong dahil sa iniindang karamdaman sa leeg nito.

Ito ang ipinaabot ni Meriam Estañero, isa sa dalawang (2) mga OFW na galing sa Saudi Arabia at kasalukuyang nasa Kuala Lumpur Airport dahil sa nakansela ang kanilang flight patungong Pilipinas dahil sa Covid-19 restriction ng Pilipinas sa mga bansang may mataas na kaso nga Covid-19.

Dagdag pa nito, tumawag sila sa embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ngunit pinagsabihan ng opisyal na si Leonor C. Mabagal na hindi sila maaasikaso dahil sa naka-quarantine umano sila sa Condo unit ng mga ito dahil sa nakasalamuha sila sa isang namatay na nag-COVID-19 positive.

Sinabihan na lamang umano ang dalawang OFW’s na maghanap ng paraan upang makabalik sa Saudi Arabia ngunit ayon sa dalawa paano silang makababalik sa Saudi dahil nabigyan na sila ng exit visa.

Kung hind sa tulong ni Mr. King Belimac, OFW Helpline Global na makausap at ipinagdiinan kay Mabagal na mabigyan ng agarang tulong ang dalawa saka pa at pinadalhan ng pera upang makakain ang mga ito.

Naniniwala naman ang dalawang OFWs na puro palusot ang mga empleyado ng embahada at di pa umano sila nakatatanggap ng tulong.

Sa ngayon nagtitiis lamang umano ang mga ito sa gutom at puyat dahil di naman sila makatulog sa sobrang ginawa.

Nag-aapela naman ang mga ito sa mga opisyal ng Pilipinas para sa mabilis na tulong sa kanila.