-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Migrant Workers na 2 Overseas Filipino Workers ang nasaktan sa matinding pag-ulan sa Hong Kong.

Maingat na binabantayan na ng ahensya ang kondisyon ng mag-asawang OFWs. Ang dalawa ay nagtatrabaho sa isang resort owner sa Sai Kung, New Territories, Hong Kong. Kumukuha umano ang dalawa ng litrato at video ng pinsala ng bagyo sa pasilidad nang magkaroon ng landslide.

Agad namang naidala ang dalawa sa pinakamalapit na ospital para magamot. Ang babae ay nagtamo ng head injuries pero nasa maayos na umanong kalagayan sa ngayon. Nananatili pa rin ito sa ospital para sa karagdagan pang obserbasyon, habang ang asawa naman nitong lalake ay sugatan ang binti at kasalukuyang sumasailalim sa operasyon.

Nagbigay na ng pinansyal na tulong ang DMW-MWO-OWWA sa mag-asawa at magpapatuloy sa pagmomonitor sa kalagayan ng mga ito.

Ang DMW Head Office naman ay maglalabas pa ng karagdagang pang updates sa kalagayan ng mag-asawa sa mga susunod na araw.