-- Advertisements --

KITS3

Arestado ng mga tauhan ng PNP CIDG ang dalawang online seller ng COVID-19 test kit sa isinagawang entrapment operation sa Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ni CIDG Director MGen Albert Ignatius Ferro ang mga nahuling suspeks na sina Stephen Matthew Reyes at Patrick Jimenez.

KITS1

Sila ay naaresto matapos makipagtransaksyon sa isang police poseur-buyer na umorder ng 60 boxes ng Rapid Test Kit na nagkakahalaga ng P408,000 piso.

KITS2

Bigo ang dalawa na makapagpakita ng license to operate o special permit para magbenta o mag-distribute ng test kits.

Napag-alaman din na sina Reyes at Jimenez ay mga sub-leader ng Christian Criminal Group na nag-o-operate sa Sta. Cruz, Manila at sangkot sa iligal na pagbebenta ng mga hindi awtorisadong COVID-19 RT/PCR Test Kits.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 kaugnay ng FDA Circular No. 2020-016 o prohibition of Online selling of FDA Certified COVID-19 Antibody Test Kit ang dalawang suspeks.