-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nadagdagan pa ng apat ang mga bagong batch ng mga nagsurender na mga myembro ng rebelding grupo na bumalik sa gobyerno.

Sa tulong ng mga barangay opisyal ng Barangay Zion, Maitum Sarangani bumaba ng kabundukan ang team lider ng Platoon West Musa bitbit ang isang carbine rifle na may hurisdiksyon sa Maasim, Kiamba Maitum o MAKIMA Sarangani hanggang Palembang Sultan Kudarat.

Ayon kay 38th Infantry Battalion Comanding Officer Lt Col. Anhouvic Atilano bitbit ng hindi pinangalanang surenderee na isa ring Mass organizer ng NPA na residente ng Sarangani Province.

Dagdag pa ni Atilano na nagdaang araw bumaba din sa kabundukan ang isang opisyal at kasama mula sa Platoon Myphone bitbit ang M16 rifle at isang 12 gauge shotgun pati mga bala.