-- Advertisements --

Naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19 sina Baguio Bishop Victor Bendico at Jaro, Iloilo Archbishop Romeo Lazo.

CBCP
CBCP PHOTO

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na noong Marso 19 ng nagpagbakuna si Bendico habang noong Marso 15 naman si Lazo.

Mula sa British-Swedish drugmaker na AstraZeneca ang itinurok kay Lazo habang hindi na binanggit pa ang itinurok kay Bendico.

Ang nasabing pagpapturok ng mga opisyal ng simbahan ay pagpapahiwatig aniya ng pagsuporta nila sa vaccination rollout ng gobyerno.