-- Advertisements --
viber image 2023 10 28 16 55 22 502

Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) ang sunog sa dalawang paaralan sa Mindanao na gagamiting polling precinct para sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE)

Inihayag ni Comelec Chairman George Garcia na nasunog ang Ruminimbang Elementary School sa Barangay Ruminimbang, Barira, Maguindanao del Norte dakong 01:50 a.m.

Nasunog ang mga klasrum ng Grade 1 hanggang Grade 4 ng paaralan. Wala namang naiulat na casualties sa naturang pinangyarihan ng sunog.

Tumugon naman ang mga local authorities kasama ang Bureau of Fire Protection at iniimbestigahan pa ang naturang insidente.

Samantala, nasunog din ang Poona Piagapo Central Elementary School, Old Poblacion sa Poona Piagapo, Lanao Del Norte bandang alas-2 ng madaling araw.

Ayon kay Garcia, ang sunog ay nagresulta sa ganap na pagkasira ng isa sa mga silid-aralan ng paaralan.

Gayunpaman, habang ang isang klasrum sa compound ng paaralan ay naabo na dahil sa sunog, ang voting center na gagamitin sa BSKE ay hindi naman naapektuhan.

Naapula ang apoy kaninang alas-4 ng umaga at walang naiulat na nasawi.

Ang sanhi ng sunog at ang lawak ng pinsala ay patuloy pa ring iniimbestigahan.