-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ginawaran ng military departure honor ng Armed Forces of the Philippines ang mga labi nina late Major Jude Salang-oy at 1Lt April John Dadulla sa Lumbia Airbase ng Cagayan de Oro City bago ililipad patungo sa Villamor Airbase ng Metro Manila.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Col. Ryan Reynie Sonza,acting commander ng PAF Tactical Operations Wing Eastern Mindanao na ang gawaiin na ito ay naaayon sa tradisyon ng militar kapag mayroong kasamahan sa anumang AFP branches na sumakabilang buhay dahil sa pagtupad ng tungkulin para sa bansa.

Sinabi ni Sonza na pagdating rin sa Villamor Airbase ay sasalubungin rin ito ng arrival honor ng ka-tropa nila bago tuluyang iburol ng ilang araw sa main headquarters ng PAF.

Inihayag ng opisyal na bagamat masakit sa kanilang loob na nawalan sila ng dalawang magigiting na mga piloto subalit hindi rin ito bago sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na mayroong pagkakataon na maranasan ang ganitong pangyayari sa loob ng serbisyo.

Sina Salang-oy at Dadulla ay iuuwi rin sa kani-kanilan hometowns pagkatapon ng ilang araw na burol sa PAF headquarters para sa kanilang huling hantungan.

Si Dadulla ay nakatakdang ililbing ng pamilya bayan Manolo Fortich,Bukidnon mismo sa araw na ikakasal sana sila ng kanyang fiancé na si Abigail sa Marso 15.