-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng 2 pagbuga ng abo sa bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Martes, Pebrero 4.

Maliban pa sa ibinugang abo ng bulkan, naobserbahan din ang 10 volcanic earthquakes kabilang ang 2 volcanic tremors.

Nananatili namang namamaga ang edipisyo ng bulkan.

Nagbuga din ang bulkan ng mahigit 3,000 tonelada ng asupre nitong Lunes. Gayundin, nag-generate ito ng plume na umabot ng 400 metro ang taas na napadpad sa timog-kanlurang direksiyon.

Sa ngayon, patuloy na nakataas sa Alert level 3 ang bulkan dahil sa magmatic unrest kasunod ng pagsabog nito noong Disyembre 9 ng nakalipas na taon.