Dalawang palapag na bahay sa bayan ng Bangui, naging abo matapos masunog; P1.2-M halaga ng danyos, naitala
Unread post by bombolaoag » Tue Nov 01, 2022 7:41 pm
LAOAG CITY – Naging abo sa isang iglap ang dalawang palapag na bahay sa Barangay Taguipuro sa bayan ng Bangui matapos masunog.
Ayon kay Senior Fire Officer III Grayson Austria, ang Municipal Fire Marshall sa bayan ng Bangui, ang bahay ay pagmamay-ari ni Carina Gaces Espejo, 78-anyos ay ito ay gawa sa light materials.
Sinabi ni Austria na habang nasa sementeryo ang kanyang team ay nakatanggap sila ng report hingil sa sunog ngunit malaki na ang apoy ng nagresponde ang mga ito.
Aniya, kinailangan nila ang tulong ng bombero mula sa bayan ng Dumalneg at Pagudpud dahil sa laki ng apoy.
Ipinaliwanag nito na base sa salaysay ng anak ng may ari ng bahay na si Robert Espejo ay biglang nakarinig ang mga ito ng pagsabog at agad na nagdulot ng sunog.
Sinabi nito na nasa loob ng bahay ang kanyang inang si Carina ng mangyari ang sunod ngunit agad na nakalabas bago pa tuluyang maging abo ang kanilang tahanan.
Samantala, inilahad ni Austria na ang posibleng nagdulot ng sunog ay ang linya ng kuryente.
Dagdag nito na humigit kulumang 1.2 milyong piso ang pinsalanag dulit ng sunog kung saan kasamang nagging abo ang motorcycle accessories, appliances, water pump at ba pang gamit kasama na ng 70 libong piso na cash.
Nagpapatulong ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection matapos nasabing sunog.