-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Muling nagpaalala ang mga otoridad sa pagtupad sa precautionary measures tuwing naliligo sa dagat matapos makita ang dalawang lalaking palutang-lutang sa karagatang sakop ng Malawmawan Island sa Brgy. Buenavista sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Legazpi, mismong ang caretaker ng isla na si Jonathan Lozano ang nakatuklas sa wala nang buhay na katawan ng isang lalaking tinatayang nasa 5’6″ ang tangkad, 40 hanggang 50-anyos ang edad, nakasuot ng itim na T-Shirt ng isang fraternity at kulay asul naman ang shorts.

Agad nitong ipinagbigay-alam sa tanggapan ng Bantay Dagat ang nakita subalit nang magsagawa ng follow-up monitoring ang mga otoridad, isa pang bangkay ang nakitang lumulutang ilang metro lamang ang layo sa pinag

Dinala naman sa pagamutan ang mga ito matapos na mai-ahon subalit hindi na nailigtas pa sa kamatayan.

Sa ospital, dito na kinilala ng mga kamag-anak at kaibigan ang dalawa na sina Ajay Jimena, 24 at Roberto Buban, 45 na pawang mula pa sa Calamba, Laguna.

Sinasabing nasa family outing ang mga ito at masayang naliligo subalit makalipas ang ilang sandali ay hindi na nakita pa ang dalawa.