-- Advertisements --

LAOAG CITY – Basag ang salamin ng dalawang pampasaherong bus sa magkaparehong kumpanya sa pamamagitan ng mga nakamotorsiklo.

Unang tinamaan ng bato ang pampasaherong bus na bumibiyahe patungong probinsiya ng Cagayan sa bahagi ng Brgy. Barit sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Mr. Jerwin Reyes, nagkaroon ng maraming crack ang salamin ng bus ngunit hindi naman ito nabutas at nangyari ito ala-1:00 ng madaling araw.

Sinabi niya sa Bombo Radyo na dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang bumato sa sinakyan nilang bus ngunit hindi nito nakita ang mga mukha kahit walang helmet ang mga ito.

Samantala, nabasag naman ang magkabilaang salamin sa bintana ng isa pang bus sa bahagi ng bypass road sa lungsod.

Hindi alam ni Reyes ang dahilan kung bakit lagi na lang binabato ang bus ng kumpanya nila na Florida.

Ito na ang pangalawa at pangatlong beses na binato ang pampasaherong bus ng nasabing kumpanya.