-- Advertisements --

(Update) DIPOLOG CITY – Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group Regional-Field Unit 9 ang dalawang itinuturong responsable sa pagkidnap sa isang guro sa Sitio Malandi, Barangay Patalon, Zamboanga City.

Ito’y matapos mahuli sa ikinasang law enforcement operation ng mga otoridad ang mga suspek na sina Erma Sahibol at Kimar Juram, parehong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa ilalim ng pamumuno ni Idang Susukan na nakabase sa Sulu.

Sa report ng Police Regional Office-9, naaresto ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Napag-alaman na nangyari ang pagdukot sa gurong si Rosina Singua, 58-anyos, noon pang Setyembre 2019 sa harap ng Mt. Carmel Catholic Church sa Jolo, Sulu.

Nabatid na may mga una nang nadakip ang pulisya na sangkot din sa nasabing kidnapping incident.